May dapat bang katakutan?

Sa tinig niya na minsang ako ay inaya sa bigkis ng panghabambuhay

bakit ngayon lang nabigkas?

Bakit ngayon lamang ng may bago na kong buhay?

Minsan nasabi ko na babalik ang sa akin ay iibig ng tunay..

bumalik siya.

Ang tanong Mahal ko pa ba?

Kinukumusta na tila may inaasahan pang bukas,

Na nagbabasakali sa libro na happy ending,

bakit pa?

May dahilan ang bawat delay sa buhay,

sa mga pangyayari na nagaganap ng biglaan at hindi pinagplanuhan..

may dapat nga bang katakutan?

sa piling ng aking panibagong buhay?

Hanggang saan ang aking paglalakbay..

kapag may katapusan.

Feeling inside…

I walked into an empty church, I had no place else to go When the sweetest voice I ever heard whispered to my soulI don’t need to be forgiven for loving you so muchIt’s written in the scriptures, it’s written there in blood  I even heard the angels declare it from above -That there ain’t no cure for love.

 

A poet is an unhappy being whose heart is torn by secret sufferings, but whose lips are so strangely formed that when the sighs and the cries escape them, they sound like beautiful music and then people crowd about the poet and say to him: “Sing for us soon again;” that is as much as to say, “May new sufferings torment your soul.”

 

 

My ins and outs My share of bad breaks But when it’s all Been said and done I raise my PEN and I swear “God it’s been fun!”

I am writing once again..

 

Its not about you luv me.. its about you tell the whole world I exist.

For long you live and high you fly and smiles you’ll give and tears you’ll cry and all that you touch and all that you seeis all your life will ever be.

 

 

I will hold the candle till it burns up my arm I’ll keep takin’ punches until their will grows tired I will stare the sun down until my eyes go blind I won’t change direction, and I won’t change my mind How much difference does it make

I’ll swallow poison, until I grow immune
I will scream my lungs out till it fills this room
How much difference
How much difference does it make.. 

Your still a puzzle.. in the corner of my head. 

Sweet is love when all is sane Sweet is death to rid the pain

Cruel is death when all is well

Cruel is love when all is hell!

 

 

You think of me just like a butterfly

You wanna pin me to your wall so I can never fly.

Just like a flower that you need to dry
Caught between two books, squeeze me till I die

 

I see things as they are,as they were and as they will be.

And he was the lord of the things that are not,
and were not
and never will be

A true friend is the one who knows the song in your heart and sings you the song when you’re torn apart

 

I hope everybody can find a little flame Me, I say my prayers, then just light myself on fire and walk out on the wire once again

Thoughts meander like a restless wind inside a letter box, They tumble blindly as they make their way across the universe.

 

The question is..

 

When will it be..

but nobody knows about me.. 

 

its killing me softly

Its killing me

I told you so, that I love you. I told you that someday that you will ask me to come back and stay with you, but then I found somebody new that will never break my heart again. You told me that you misses me so much that you were waiting for my return. You were asking me to take you in, but I told you so but you have to go.. that I found somebody that would never break my heart into two.
This time I want to feels like, to be in next life. I want to wait for the real thing. The moment of its meaning.
People keep on talking, saying what all they like but no one will know what I really feel inside even how transparent I am when I am with you.
I told you so, that I love. I told you that someday you will ask me to come back home but Its too late for you to take me while my space is too far away. Just let me close the door and close it as I open it to someone new.

Pagbabalik ni urzulla

Sa Isang immortal na tulad niya muling nagbalik ang dating si Urzulla. Nakakatakot ngunit may nagbabadyang panganib, hindi madalas ang pagkakataon ngunit para kay urzulla nararamdaman na naman niya ang isang bagay na unti- unting nawawalan ng kislap; muling pagkamanhid.    

Nakita na niya ang tagapagtanggol ng kanilang kaharian at ang magliligtas sa kanya sa sumpang dumadaloy  sa kanyang dugo. Lumuluha muli ang kanyang kaliwang mata, ngunit walang pakiramdam, may puso ngunit hindi kalian man magiging daluyan ng kasiyahan at kapanatagan. Nasaan nga ba ang tunay na si urzulla? Dumating ang nagpanggap na emperador na may balote ng asul na kapa, ngunit hindi naging Kristal ang luha ng reyna.

Ipinatawag ng reyna ang kanyang tagapagtanggol na si Zerphyr ang dalagang may maamong mukha, kaakibat ng isang mala anghel na pangako ng isang pag-ibig na tutupad sa lahat ng kahilingan ng mga mortal. Ang magbibigay laya ng kapighatian at lubusang mag bibigay buhay sa naatasang taga pangalaga sa anak ni urzulla.

Nagpakilala ang isang emperador at nagsasabing siya ang hinirang na emperador ng kataas-taasang nyebe, at sa tuwing tag-lagas muli siyang magpapakilala at sa tuwing uulan siya ay maglalaho.

Dumating ang pangalawang emperador at nagsabing siya ang hinirang na katas-taasang  taga pangasiwa sa mundo ng kawalan, at nasasaad sa kanyang pagbabalik ay ang pagkamatay ng taong habagat at taong nyebe sa kanyang mga kamay, sisibol ang digmaan at hindi matatahimik ang kaluluwa ng mga mortal na nagkasala sa kanilang Imperatris  Sinerhea.

Nagdaan ang ilang buwan at muling umikot ang buhay sa mundo ng mga immortal, gayon din ang mundong ginagalawan ni Urzulla, sumilang na nga ba ang bagong pag asa? O isa lamang huwad na nagsasabing siya ay muling isasakdal?

Nakaupong nagmamasid si Xyrus at habang nakatanaw sa di kalayuan namataan niya ang dalagang lumuluha  ang isang mata.Nanabik siyang ito ay makilala ng lubusan ngunit ng mapagmasdan ang mga matang walang kulay, ang kakaibang matang kumikislap ngunit walang emosyon, malalim na palaisipan ito at sinubukan ng prinsepe  na muling magbakasakali sa ika-apat na pagkakataon, ngunit nasawi ang binata sa limang pagkakataon. Mula nang mangyari ang bagay na yaon ng tinangka niyang patayin ang hari ng tag-lagas, at maging ang prinsepe ng Ulan, siya ay naisumpa ng reyna Urzulla at sa kadahilanan na siya ay lumapastanganan sa emperyo ng walang malay, naghimagsik ang bayan ng pinagmulan ni Xyrus.

Sa hating gabi nagmumulto ang kaluluwa ni xyrus at naglalakad ito sa kalagitnaan ng patay na kaluluwa.At sumaling lahi sa katauhan ni Quintin ang makisig at may magandang mukha. Ang sino mang makarinig sa tinig nito ay nahuhumaling at umiibig ng sobra, hanggang sa si Urzulla ay umibig dito, nawala ang kapangyarihan ng mahal na reyna at naging sunod sunuran sa kanyang pinakamamahal. Hindi kailan man tumanda si Urzulla sa haba ng 200 siglong nagdaan at hanggang sa di nito matagpuan ang dakilang tagapagligtas ng pusong pagal mananatili siya sa kanyang mundo at magiging bilanggo sa nakaraan.

 

 

 

 

 

Ang kahulugan ng buhay

Ang kahulugan ng buhay

(Inspired by Jonathan)

Madalas hindi ko nasasagot ang bagay na ito, ano nga ba ang kahulugan ng aking hininga, ang aking pagpaparito at pagsasabi ng linyang “ayus!”

The idea of my first breath is nothing but to  enjoy life  without regrets at all.Kaya habang nagkakaisip ang aking sintido komon at napapansin ang aking pagtanda, napaisip ako sa isang punto ng aking buhay, ano nga ba ang kahulugan ng buhay ko?

Kadalasan sa aking pag-iisa nagiging maligaya na ako kapag nakapanood ako ng favorite anime ko sa mini t.v ko na halos niluma na din ng panahon.Sa tuwing nakikita ko ang patay kong kuko, sa tuwing bumubuhos  at biglang titila ang ulan. Masaya na  rin akong kumakain sa tatlong beses na may kasama pang meryenda. Kasama pa ang pagsusulat ko ng mumunting kahiwagaan ng aking isipan. Masaya ako kpag nakikita ko ang kasiyahan ng aking mga mahal sa buhay, Masaya  ngunit hindi ito sapat para ako ay mabuhay. Hindi ko Makita ang aking kahulugan sa mga bagay na ikinasasaya ko, pero ng Makita ko ang buhay ng iba sa piling ng kanilang kapighatian, sa kanilang kalungkutan, sa kanilang pag-iisa at nangangarap ng may kasama, natulala ako at hinanap ang kasagutan sa kalangitan habang ang pagpatak ng ulan ay muling nag paalala sa akin ng buwan na kung saan nalulunod ako sa hinagpis ng bagyo.

Denisenyo ang buhay hindi dahil sa pansariling kadahilan bagkos nabubuhay tayo para sa ating kapwa at higit sa lahat upang gumawa ng mabuti at bigyan ng pagpupuri ang lumikha ng pag-ibig.  Nalaman ko na may pwede pa pala akong paglaanan ng aking buhay.. ang maging buhay at magbigay buhay para sa iba, hindi sa literal na kahulugan kundi sa pamantayan ng pagsasagawa ng mabuti para sa iba. Ang buhay ko ay para sa taong magmamahal,nagmamahal saakin. Para saaking mahal, minamahal at sa taong bumubuo ng aking pagkatao. At higit sa lahat nabubuhay ako para sa mabuting DYOS ng pag-ibig.

ano ang kahulugan ng buhay para sayo?_by dark Knight

=Para sakin isa itong paglalakbay, pwedeng mahaba o maiksi, magulo at madalas kumplikado, puno ng excitement at adventure, pero iba-iba tayo ng pananaw sa buhay, halimbawa para sa mga mahihirap simple lang ang kahulugan nito, ang buhay para sa kanila ay masalimuot, puno ng pagsubok at kagutuman. Bakit nga ba hindi pantay-pantay ang katayuan sa buhay ng bawat nilalang? Minsan natanong ko sa Diyos kung bakit nagkaron pa ng mayaman at mahirap, sino ba ang mas matimbang sa paningin nya? Bakit may mga taong sobra ang biyaya at mayron taong halos hindi mapatakan nito? Bakit may nagugutom at bakit may sobra-sobra ang biyaya sa hapag-kainan? Isa lang sa palagay ko ang sagot o isasagot ng pinagtatanungan ko nito, marahil ay ito “Ang mga bagay na ito, sitwasyon, katayuan ng bawat tao ay idinesenyo ko upang maging balanse ang mundo”. Ito ang katotohanan. Para sa mga taong hindi nakararanas ng hirap sa pangkabuhayan marahil maluwag na tatanggapin ang sagot na ito, ngunit, datapwa, subalit sa mga taong ni minsan ay hindi naranasan ang kaginhawahan sa pangkabuhayan at katauhan hindi katanggap-tanggap ang sagot na ito. ito ang katotohanan, kung ang isang tao ay puro hirap at pagdurusa lamang ang nararanasan aminin natin na kumikitid ang pag-iisip at lumalabo ang mga pananaw sa buhay. At dahil sa hindi pagkakapareho ng katayuan sa pangkabuhayan ng bawat tao nabuo ang salitang “diskriminasyon”.  Ako’y naging saksi sa diskriminasyon na ito at nakaranas din. Kung ikaw ay isang kapus-palad wag kang umasang pakikitunguhan ka ng maayos ng malalaking tao, basura o gamit lamang na disposable ang pwedeng maging tingin nila sa mga maliliit na kapwa.

 

Isang kwento ang nabuo sa aking isipan, kwento ng buhay ni Tasyo na isang probinsyano at minsang nangarap mapaunlad ang kanilang kabuhayan. Mahirap ang buhay sa probinsyang kinalakhan ni Tasyo ngunit nairaraos nya ang pag-kain ng pamilya sa araw-araw, isa syang hamak na magsasaka at palibhasa laking probinsya kaya hindi sya masyadong nakakaunawa ng salitang tagalog at hindi din nakakapagsalita nito. Masaya si Tasyo sa piling ng pamilya kahit salat ang kabuhayan.  Mayroon syang kaibigang inalok sya ng trabaho sa isang hacienda sa hilagang Luzon, pagsasaka din ang naghihintay na trabaho sa kanya sa hacienda kung kanyang kakagatin.  Sa kagustuhan nyang umunlad ang pamumuhay nang pamilya tinanggap nya ang inialok ng kaibigan. Naglakbay sya mula timog papuntang hilaga alang-alang sa kaginhawahan ng pamilya. Ng makarating sa hacienda nagsimula na ang muling pakikipagsapalaran ni Tasyo sa lupang sakahan. Wala syang ginawa kundi magsaka ng magsaka at magsaka pa. kahit pagal na at nanakit ang katawan, ay patuloy itong tinitiis ni Tasyo pagkat inspirasyon nya ang pamilya at ang kinabukasan at kaginhawan ng mga ito.  Nakakaipon sya at nakakapagpadala ng salapi para sa kanyang pamilya sa timog ngunit dahil sa hindi sya nakapag-aral may tumutulong sa kanya upang magproseso ng pagpapadala ng kanyang salapi papunta sa kanyang pamilya. Naging mabilis ang pagtakbo ng panahon, isa, dalawa, tatlong taon ang matuling lumipas at sa mga panahong iyon  naging maganda ang takbo ng kanyang trabaho, ngunit ang kalikasan ay naghihimagsik din sa pang-aabuso ng sangkatauhan, pumasok Global Warming, nabawasan ang pag-aani ng hacienda ng mga sumunod na taon, kasabay nito ang pagpalo ng presyo ng langis sa mataas na halaga kasunod ang pagtaas ng pasahe sa mga pampubliko at pribadong sasakyan, apektado ang bilihing pagkain at lahat ng pang araw-araw na pangangailangang binibili ng mamamayan. Dahil sa pangyayaring ito ang tumatayong pinuno ng mga magsasaka sa hacienda ay nagnais na mapataas ang kanilang kinikita upang ito ay sumapat sa kanilang pumumuhay, bagay ng tinutulan ng mga nagmamay-ari ng hacienda ng hindi man lang nagpaliwanag sa maayos na paraan, at gaya ng inaasahan nagsimulang mag-aklas ang mga magsasaka, rally dito rally doon, sigaw dito sigaw doon ang naging routine ng mga hamak na nilalang sa nagdaraang mga araw. At  si Tasyo palibhasa hindi nakapag-aral madaling naimpluwensyahang sumama sa pag-aaklas na hindi lubos na nauunawaan ang posibleng kahinatnan ng pinasok nyang sitwasyon. Sa mga nagdaang mga araw uminit ang tensiyon sa hacienda, binarikadahan na ng mga military ang mga tagapagbungkal ng lupa, naging marahas na ang mga sundalo na dapat sana ay mamagitan lamang sa sitwasyon, palibhasa maimpluwensya at nasa pulitika ang pamilyang nagmamayari sa hacienda kaya ang pabor sa batas at kapangyarihan ay nasa kanilang panig, ngunit sa kabila ng pagka dehado ng grupo ng mga magsasaka hindi sila nasindak, pinakikita nilang sila’y handang masugatan at mamatay para sa kanilang pinaglalaban at karapatan, pinapatunayan ang katapangan sa pananaw na ipinaglalaban, makikinita mo sa kanila ang mga katipunerong lumaban noon para sa kalayaan, ganun din ang mga hamak na magsasaka ipinaglalaban ang dapat at nararapat sa kanila. Maraming araw pa ang lumipas ilang tensiyon ang muntik nang sumiklab ngunit humuhupa din. Pero lahat ay may hangganan at ang iniiwasang tensiyon at kaguluhan ay hindi naiwasang maganap. Subalit ano nga ba ang kahihinatnan ng gulok, karit, itak at sundang sa nagbabaga’t lumilipad na tingga na nangggaling sa bakal na nilikha upang kumitil sa buhay ng kahit ano at sinong nilalang. At ang dapat ay namamagitang militar na  dapat din ay magtanggol at pumuprotekta sa mga taong maliit ang sila ngayong kumikitil sa kapirasong hiningang pinahiram ng maykapal sa mga hamak na tagapagpausbong ng palay sa masustansyang lupa, kapalit marahil ng maliit na halaga, mas inuna ang pera kesa sa sinumpaang tungkulin sa mamamayan. Naging madugo ang labanan o masasabing masaker pagkat walang kalaban laban ang mga biktima. Lumipas ang maghapon at takip silim na naman, mapula ang rehistro ng paglubog ng araw nung hapon na iyon, nikikisimpatya ang himpapawid sa madugong trahedyang naganap nung umagang iyon, Isang masalimuot at kalunos-lunos na tanawin sa gitna ng palayan ang iyong masasaksihan sa loob ng hacienda, nagkalat ang mga duguan at wala nang buhay na katawan ng mga magsasaka, higit isaang daan ang bilang nang nakitilan ng buhay at sa tabi ng kanilang mga malalamig at duguang mga bangkay ay ang mga basyo ng mga balang umagaw sa kanilang hininga at karapatang lumaban, hindi makatao ang pangyayari at mistulang isang bangungot. Makalipas ang ilang minuto paglubog ng haring araw, ay iyong maririnig ang pagtangis ng mga nilalang na nawalan ng minamahal sa buhay, iyak ng bata habang inuusal ang ngalan ng kanilang ama’t kapatid na wala nang hininga, iyak ng mga maybahay at ina habang patanong sa sinisigaw ang pangalan ng tagapaglalang. Ang gabing iyon ay napuno ng dalamhati kasabay ng buhos ng matapang na si ulan, gabing puno ng iyakan at pagdadalamhati, iyak at galit na kung maari lamang ay kikitil ng buhay ng mga walang kaluluwang nagpasakop sa kapangyarihan ng salapi! Natapos ang ulan sumapit ang bukang liway-way, masigla at napakainit ng pagpaparamdam ni haring araw mula sa kanyang himlayang malawak na karagatan nang umagang yon. Ang mga bangkay ay isa-isa nang isinakay sa karitong hila ng masipag na kalabaw. Bawat isang katawang walang buhay ay tinakluban lamang ng malalaki’t malalapad na dahon ng saging, at mga kapwa magsasaka din na nakaligtas ang nagmalasakit upang ang mga bayani sa kanilang paningin ay mailibing at matabunan ng lupang patutunguhan ng bawat nilalang. Walang kamalayan ang mga karatig na pamayanan kung ano nga ba ang tunay na nangyari nung nagdaang araw, wala ding paring nais magmisa para sa mga namatay at namatayan pagka’t ayaw ng mga itong madamay sa kaguluhan at mapagkamalang isa sa nag-udyok ng himagsikan, walang nagawa ang mga kaanak ng mga magsasaka kundi ipagpsaDiyos na lamang ang nangyaring masaker na sinapit ng kanilang mga mahal sa buhay. Napipi ang lahat ng saksi sa pagdating ng mga otoridad na mag-iimbestiga sa naganap, sa kadahilanang ayaw nilang sapitin ang nangyari sa mga mapaghimagsik na magsasaka, isa pa ding dahilan ang kawalan ng tiwala sa otoridad, sapagkat mga kapareho din ng mga ito ang syang dahilan ng malagim na patayan. Hindi din nalaman ng Media sa maynila ang katotohanan.

 

Ngunit na saan si Tasyo? Isa ba sya sa matatapang na nagbuwis ng buhay para sa karapatan ng karamihan o isa sa nagmalasakit maglibing sa kapwa magsasaka na nangandamatay?

Ang kwentong hindi matapos tapos

Ang kwentong hindi matapos tapos

Kadalasan may mga kwentong hindi natatapos hanggat nakadesenyo itong di muna matapos. Buti pa ang manunulat kaya niyang tapusin ang isang kwento sa ninanais nitong katapusan. Tutuldukan ang bagay na dapat lagyan ng tuldok sa bawat letrang kaya nitong buoin.

Mistulang nakakasakit sa pandinig ang mga bagay na matamis ngunit hungkag, masarap sa pakiramdam ngunit madaling matapos. May Malabo at malinaw na pakahalugan ngunit hindi kayang unawain at intindihin. Madalang ang mga taong may busilak na puso, madalang ang mga taong nakayuko upang hindi isiwalat ang kanyang mabuting gawa bagkus mata ng ibang tao ang siyang pupuri.

Nakakasakal ang isang bagay na nakatali sa isang kasinungalingan, nabubuhay ng walang patutunguhan, nakakasira ng ulo ang walang kabuluhan, ngunit sa kabila ng mga bagay na hindi kayang panindigan naroroon pa rin ang daan na kung saan nakakapuwing sa mata.

Sa ika-apat na kwento na aking tinatapos hindi pa rin matapos tapos dahil ang aklat na aking ginawa ay may lagusan ng walang katiyakan, isang paglalakbay na walang malinaw na destinasyon.

Nakakatakot ang daanan na walang putik at baku-bako sapgkat madalas ang kapalit nito ay hinagpis sa kabilang buhay.

Tahasan kung magparamdam ang mga multo sa nakaraan sasabihing mahalaga ka, at mahal na mahal ka ngunit ni minsan hindi ka nila naunawaan at halos makasariling intensyon lamang ang kanilang kayang panindigan. Sinisira ang iyong puso hanggang sa mamatay na lamang ito na punong puno ng panggagamit upang sa kabila ng lahat nanatili silang buhay ngunit ikaw naman ay unti-unting naaagnas.

Ang kwento ni urzulla kaya ko itong tapusin at lagyan ng tuldok ngunit sa kadahilanang patuloy pa rin ang kanyang paglalakbay bibigyan ko muna siya ng kalayaang maiba ang kanyang ending..

ESPASYO PARA SA AKING PAMPAM:

“welcome to my life”Minsan nasabi ko hindi lahat nakakatagal ang mga taong pumapasok sa pinto at bintana ng aking mundong ginagalawan ang iba ay nagsasapantaha at kahit kailan hindi nila ako nakilalang lubusan liban sa mga kaibigan at matalik na kaibigan na tumanggap ng buo kong pagkatao.Nagsisimula tayo bilang Pam at Pas, ang weird pero sa lahat yata ng katawagan na meron tayo tumatak ang “BATMAN AT SON GOKOU”nakakatawa dahil nagkakilala tayo mahigit sa dalawang taon kaso hindi tayo nagpansinan dahil busy ang ating mundo kapiling ang mga taong nasa panahon natin noon.maging ang smart man ay nagloloko hindi kaya maputol bigla ang radar at signal na minsang sinabi ko at biglang mag globe na lamang ako? Napipilitan nga ba si pasaway ng sagutin si pampam ng OO? Dahil ang pagmemerge ng mundo ko at mundo mo hindi kaya maging komplikado?tatapatin kita sa blog na ito, kung makikipaglaro ka kay pasaway sasabihin ko na saiyo, tigilan mo baka magkasakitan tayo. Kung sa palagay mo ay tunay ang nararamdaman mo, hindi ko pipigilan na patunayan mo dahil sa mundo ko once nasaktan ako, kahit gaano tayo ka okay sa mundo natin ngayon ibabalik ko ang iyong mundo ng walang pasantabi.Nagtataray ba ako? O supladita lang ang pasaway na ito?(hehehe) nagpapakilala lamang ako, baka kasi magulat ka kapag nawalan ng signal si pasaway at nanahimik na lamang sa mundo nito.

Nasabi at nakuwento ko ang panget at maganda sa buhay ko, na tila balewala kung ano man ang pinagdaanan ko, natutuwa akong sabihin sayo.. napapangite mo si pasaway sa kahit anong anggulo. Lahat yata ng pwedeng pagkwentuhan pinapatulan natin at least wholesome pa rin tayo hahaha! May sense lagi ang mga bagay na walang sense at nabubuhayang ating imahinsayonsa mundong pareho nating nauunawaan. Salamat pala sa pusong binigay mo kahit naimpatso ako sa popcorn na binili mo, hehehe! na gustuhan ko ang tatlong puso na ang hirap buksan at kayhirap isuli sa ayus nito.. PAMPAM ka nga talaga kaya natutuwa ako.hahaha!pwede bang mag request ng mas malaking puso isasabit ni pasaway sa bintana nito. Natanong ka Kung sweet ka? Ang sagot ni pasaway: Ahem.. ang TAMIS mo..

Gusto ko rin na napapangite kita at napapatawa kapag kulubot na ang noo mo..hehe at tuwing aasarin ka ng mga babaeng ikinukuwento mo (hmm baka may crush lang saiyo yon. Samantalang ninanais ko na pwedeng magka crush sa kahit sino wag lang palaguin ito ng ibang pagsuyo at please promise mo.. wag kang bumigay sa bading na nahuhumaling sayo.. hahaha parang AWA mo!baka mahimatay si pasaway at magdeliryo.warning ni pasaway saiyo: kunyari maniniwala si pasaway sa lahat ng sasabihin mo hehehe (ang weird pero ito talaga ako)

AAbangan ko nga pala ang pagtaba ng puso ko.. kasi di ba iyon ang sabi mo? Ang cheezzzzzzzyy ng pampam ko pero gusto ni pasaway yan sigurado!kailangan pa bang imemorize yan..(hehehe) nakita mo naman na ang haba ng sulat ko, para mapagod ang mata mo, kasabay ng pagpapangite ko wag ka lang tumawa ng mag-isa baka ikaw ay mapagkamalang.. “hmm crazzzzzzy for this girl”)hehehe!Alam kong ngumingite ka kahit pigilan mo pa.. hmm kitang kita kaya, alam mo naman ang Radar ni pasaway kahit walang signal tsk.tsk pasasaan bat nalalaman ko rin.napanaginipan nga pala kita nagising akong bigla hahaha siguro na miss mo ko? kaya nagparamdam ka hahaha! (kapit ka baka maihangin kang bigla)minsan tinanong mo kung may espasyo ka na sa puso ni pasaway..isa lang ang alam ko ikaw ang ngite ko.. pasasaan ba’t makikita mo magkakaugat din ang espasyong iyon at baka mawalang bigla si +superman+ sa eksena.hmm salamat pala dahil saiyo.. si son gokou at batman ay nagkapuwang sa mundong ibabaw. Dalangin ko para sa aking pampam na laging mag-iingat dahil pano na lamang si pasaway kung iiwanan mo siya sa napakalaking mundong pinagsama.siya nga pala may pasalubong ka ba?hahahaha toinkz. Siya nga pala baka magsisi ka ako ang naging kasintahan mo?paki sabi at bibigyan kita ng laya bago ko pa maisara ang pinto at bintana…ahem!siguro naman napagod ko na ang iyong mata sa pagbabasa, kung kayat sa ating mundo ikaw at ako ay iisa..pag may angal ka paki sabi na lang para maitapon kita Palabas(hehehehe)joke.(pero pwedeng seryosohin)hahaha!o pano ba yan hanggang sa muli kita kits sa mata.. pabaon ko nga pala.. halik!halik!halik!

Itinatagong pangalan ++Jonathan++

Sumasaiyo,

Nagtatagong kotse.

 

(Para kay Bhe)

Craving for his Love (Para kay Bhe)

Makulimlim ang kalangitan kasabay ng kalungkutan na nadarama ng isang anak. Humingi na nang kapatawaran Si Bhe sa lahat ng mga kalungkutan na nadarama ng kanyang Itay sa sakripisyong sinasabi nito mula ng mangibang bansa ito. Sa tuwing mag-papaalam si bhe na aalis ng bahay, O sa simpleng kape na titimplahin nito para sa kanyang itay, napakasakit isipin na kahit ang munting Gawain na iyon ay di kayang pansinin man lamang. Ilang kape at almusal na rin ang ginawa ni bhe na halos lumalamig lamang at sabay lagay lamang ito sa hugasan ng hindi man lamang nagalaw. Minsan minabuti na lamang ni Bhe na maging immune kasabay ng pag-asa pa rin na bago umalis ang kanyang itay ay magawang bigyan siya ng kahit na kaunting pagmamahal at hindi ang awa.kapag nasa hapag kainan ito at ang kanyang itay madalas hindi man lang siya matingnan sa mata at hindi man lang yayain na sumabay sa hapag kainan kung kayat madalas magpapalipas na lamang ng almusal si bhe at aalis ng bahay na malungkot..parang isang sumpa na Madalas nagbibigay palaisipan kay bhe kung bakit ganun na lamang ang tingen ng itay nito sa kanya. Kung babanggitin man ang pangalan niya madalas pangungutya ang naririnig nito galing sa kanyang mahal na itay.Madalas ikukumpara ang kakayahan niya kung kayat kahit hindi gusto ni bhe ang mga bagay bagay na kanyang pinagsisikapan gusto niyang kahit paano ipagmalaki siya ng kanyang ama. Hindi kailan man kakamuhian nibhe ang ama dahil alam niya Ito pa rin ang nagbigay ng buhay at kasaganahan sa buhay niya.

Kahit gustuhin man ni bhe na makipag kwentuhan ng madalas at mahaba sa kanyang mahal na itay, madalas panis na laway lamang ang natitira dahil hindi niya magawang ibuka ang kanyang labi sa tuwing nagsasalita na ang kanyang itay. Iniidolo ni Bhe ang kanyang itay, sa ano mang kadahilanan iyon, dahil na rin sa mga nakita ni bhe na pinagdaanang hirap ng kanyang itay. Minsan, gusto ni bhe na lapitan ang ama at yakapin nagawa niya iyon minsanng papaalis ang kanyang Itay papunta sa banyagang lupa upang magtrabaho. Kung pwede lang maging lalake si bhe at pasanin ang mga responsibilidad ng isang Adan marahil ginawa na niya noon pa. ilang agahan na rin ang pinalipas ni bhe at madalas na lamang magtago ito sa kanyang silid upang doon na lamang mag-almusal at sa tuwing gabi sa labas na lang madalas itong mag dinner upang pagdating sa bahay ang pagal na katawan ay mahimbing na matutulog na lamang. Nakagisnan na niyang mapag-isa at madalas ang pagiging independe niya minsan ang nagpapahamak sa kanya. Hindi siya nagpapatalo na balang araw ang kanyang pagsisikap ay mapapansin rin ng kanyang itay, na balang araw magiging tala at ginto rin si bhe at kikislap sa paningen ng karamihan at magiging mahalaga rin siya. Siyempre bukas tila walang ngyari ngingite at tatawa na muli si bhe na parang isang sirang payaso at magiging ngite at tawa siya para sa iba. Alam ni bhe na mahal siya ng kanyang itay kahit iyon ay nasa isip lamang, alam niya darating ang panahon na magiging tama at mabuti rin ang mga bagay bagay, kunting pagsisikap pa Bhe at pasasaan din ba’t pagnahimlay na ang pagal mong katawan at ang puso mong may dalawanpo’t pitong malalim na sugat ay patuloy pa rin makakaunawa at patuloy pa rin sa pagmamahal.

Pagpapanggap ni AD1:

Numero 0918/0929 madalas may mga taong hindi talaga matahimik dahil sa guilty feelings na ginawa nila, madalas akala mo mga multong patuloy pa rin sa pananakit kahit alam na nga niyang nakasakit na siya. Gusto lang niyang Makita ang kanyang kakisigan upang masabing tunay siyang lalake. Gusto kasi niyang malaman kong siya pa rin ba ang itinatangi ni Eva. Hindi siya naniwala na ang numero ko ay nagbago na, at kahit aktibo pa rin ang numero ng 421 wala ka ng halaga.Hindi dahil sa mapagmataas ang isang tulad ni Eva, ngunit itinatama lamang niya ang ugat na iyong sinira. Napatawad ka na niya ngunit ang iyong sinirang aklat ay hindi na muling madadaan sa paglagay ng scatch tape o masking tape dahil iyon ay sinunog muna. Para kang hayok sa laman, sa simula pa alam ni Eva na ginawa mo lamang iyon upang saktan siya, dahil alam mo na madali ka lamang mabura sa puso niya.Bakit ka nga ba, pag-aaksayan ng espasyo sa blog na ito? Ngunit dahil sa ikaw ay duwag at nagkukubli pa rin sa saya ng iba, tahasan kung sasabihin saiyo na ang budhi mo ay kasing dumi ng iyong mapagsamatalang layunin sa iba pang mga Eva.Hindi ako tulad ng akala mo na iiyakan ka, at hindi mo rin ako mapapatumba ng mala anghel mong mukha.. Alam kong nagagalit ka dahil sa isang tulad ko, nasaktan kita.. bagay na alam mong minsan kailangan mo rin masaktan upang malaman mo na hindi lahat ng damdamin ay kaya mong paglaruan, ito ay para saiyo kung nagbabasa ka.. dahil sinadya ko ang isang pagkakataon na ito, sapagkat hindi ko magawa na manahimik na lamang habang nagpaptuloy ka pa.(pasasaan ba’t ang iyong pagpapanggap ay may headlines na, pasalamat ka nakakubli pa rin ang pangalan mo dahil alam ko gumaganti ka.)

Kay Bez>

Naalala ko pa ang ibinigay mong panyolito ng una akong lumuha, pinunasan ang bawat luhang umaagos kasabay ng ulan sa hating gabi, may mga bagay na punong puno ng hiwaga pero hindi masama ang aking loob sa bawat kalakip na pagsubok.naging sandigan kita at naging taga payo, ikaw ang katuwang sa aking kalungkutan, nagbibigay kulay kapag ang berde ay naging dilaw na.nasabi mo na hindi masamang magselos paminsan minsan, natuwa ako dahil alam ko naramdaman ko iyon ng magpakasal ka na.Minsan sinabi mo ang ating pagiging magkaibigan ay matibay na, hindi natin ninais na bigyan iyon ng ibang kulay dahil sa respeto natin sa isat-isa. Minsan nasabi mo saakin; nakita mo ang babaeng katulad ng katangian ko at iyon ang nagbigay saakin ng saya, dahil alam ko napakabuti mong kaibigan at iyon ang aking dadalhing ala-ala. Sinabi mo saakin na mag-iingat ako sa kabaro mo baka ako ay madali nila.. tama ka, hindi lahat ng Adan ay kasing buti mo kung kayat kahanga-hanga ka. Natanggap ko ang iyong sulat at kalakip ng litrato ng iyong mag-ina, natuwa ako dahil tama ka, maypagkakahawig nga kami ng iyong mahal na asawa. (hehehe Masaya ako dahil alam ko may puwang ako sa puso mo tulad ng ulap at ng langit napagmamasdan pa rin kita. Masaya ako ngayon at wag kang mag-alala titiyakin ko na ang adan na mamahalin ko ay kasing buti mo.paalam saiyo dahil hindi na tayo muling magkikita pa.. wala kasi kong pera hehehe para makapunta diyan sa bansa na kung saan Masaya ka na.(God bless you and your family)

With love,

+++Winter in the Wonderland+++

Insomia V3

Insomnia V3

Friday:

I feel sick but I need to pretend I am not. But then who ever see me would comment that I look so pale and it seems really sick. At night I asked God if I completed my whole task and He eventually visit me in my dream with this word “Uncompleted job my child”. In the morning It’s a habit of looking in the window as I saw my neighborhood mysterious glass window in the attic, I never saw the guy who live there. It’s been a week now. I saw a black handkerchief that snugly been there, it was the first day I have seen it. My heart was sad because there’s something bout the handkerchief that reminds me of black tears. I never had my goodnight sleep now a days, its because of my insomnia. Sometimes I pretend closing my eye as if I was truly asleep but then after a while I am going to give up and watch movie instead. I remember the story of Tamahomi,kori, miayaka and hotohori its a love bugs fever.. I even switch channel every time I am not comfortable in my sofa bed because of the back pain I have encountered when I fall down in the wrong side of my bed.. such a stubborn thing to say but it happens.. The sky is crying so loud that I can barely hear the grief of a family who lose their only son. I know I saw him one morning looking in my glass window as he smile, that’s the first time I saw him smile at me and wave his hand. We are not close neither he knows me, but I know he was sending message to me. well, unlucky I don’t have my 10th Radar to have a great signal of those unsent message he wants to say. I only have 7th heaven radar. Such a notorious night that escaped within the vicinity of emptiness. Every day, I wonder what made me think of writing unusual things any way as if someone will gave me an answer to my delight. It’s 2 AM in the morning and its Saturday already my eye bags would probably lose my eye (hmmmm) I need to sleep as I said it to myself.. as if I am talking to someone else. I have an appointment for 1 pm and I do hope I am awake by 8 am.==aug.29 2009==

Saturday:

9:30 AM

I thought I was having a day dreaming when I heard a ring(ing) tone near to my side table, Too lazy to pick up and I thought it was just my alarm clock… Unconsciously I need to pick it up since my ear drums are horribly aching.. a baritone voice said “heloooo” I was like who are you? Not even saying Good Morning! (saisip ko; ISTORBO) When suddenly the baritone voice said hi, hellooo,,,gising ka na ba? I was like Oh my golly wow.. bigla kong naisip my lakad nga pala ako.. without even second thought biglang tumayo ako at kabastusan hahaha I ended the call..its too late to realize ng Makita ko kung sino yong tumatawag.. nakakahiya! I was struck not even know what to say nang tumawag ulit yong caller.. It was my former boss, If someone would look at me in that instant Winter Wonderland!! I am shameful and blushing. (GROOOOOgggggy)ASAR talo… ang aga-agang kapalpakan. Ang bilis pa naman ng Oras 11 am na breakfast pa lang ang ginagawa ko antayin ko ulit 12 at lunch naman.May meeting pa ako ng 1pm-4 then next itinerary Las Piňas.Saturday is a blast but too tiring. It’s almost 12 ng makauwi na ako ng aking kastilyo. I have learned one thing: The journey is long yet when it ends, you will be surprise how does it end? When and what’s the next destination. Death is constant, when I suddenly realize that life is too short. Am I prepared to my next destination “DEATH”. I was mesmerized that I will be missing my love ones. I hate surprises but then, life is full of surprise the next thing you know you will be missing someone..The rain pours in the ground as I sneak out in my secret hiding place “the winter castle” who ever tried to go there they eventually lose track but not my presence. Then I prayed, For all the people that is too valuable for me.. Those I treasured a lot and those I truly love. God is good all the time. I gave Praise and Thanks to the LORD” AMEN.

By request:

Dear Anonymous,

I am flattered that you usually reading some of the thoughts I have in here, not to mention giving feedbacksand ideas you think about the whole thing, It’s been five years that you never unleash your real name and I am curious if why, you seems so familiar but you don’t want to tell. I am skeptical if why you love the last poems I made, does it mean you are hurting so badly that rottens the deep feelings you have for that girl. She must be so special but why you let her go? I am just too curious about the song you once told me, It was a heartfelt indeed I must eulogize you. Let me tell you that I am still frustrated to write things about you, but then I must say, I don’t really know you.How I wish you found the girl you dreamt of being your wife and I will be happy if someday you will unleash your secret name behind anonymous code.

You were asking if the blank paper I wrote you have meaning on it, I tell you It’s a cruel thing if I am going to deny its curse.But why you have to be bothered if my existence will last by then? I Thank you for such inspiring quotes you have once shared.

You asked me if someone is making me smile by now, I will tell you straight within this code of letters that forms in words and its sentences. I do have special someone that I permitted to merge into my world.

I don’t know how informative it is that you know all the scars I have for five years even the recent scar that probably the tarnished of all ,And I am so amaze how much you adore the things I love doing.But then, my heart is sad when you wrote the poem entitled “Unspoken Love version 2” It is a great thing that we have in common, you write visible letters of love, invisible sentiments or emotions, but I must contribute the request you wanted me to do, this is now the last letter I made specially for you.

I thank you for always making the effort to read each line of my words, the sentiments and emotions I gave to my every piece. I like to thank you for the poem you made originallyjust for me, I thought I will be forever writing a poem for somebody but instead you do a special poem that you dedicated to me. I was very happy that someone finally made a poem for me. I want to say thank you so much ;you have done it so wonderfully.

Before I finally drop the key stroke in my last words, may I ask you a question and not to interrogate you. Why you said you know me? Till now I am stunned of what to think about it, by your last sentiments about the love of your life may I know who she is?But then if you don’t want to say, please forgive me.. I prayed in your dwelling heart you found peace and a faithful love to be yours. You have known me as luvbytes to all my written piece, my original code to poetry, that’s why I have to end the letter as my journey ends as luvbytes to you my dearest friend.

Yours truly,

Luvbytes till the next Journey.

P.S

Taking risk to what you feel is not too late, it is late when you regret that one day, she is married.

I must say, the love of your life is lucky.. If she knows how much you love her, indeed. But thenas my opinion you have to tell her (kung sino man siya).. at (kung nasaan man siya) It is time for you to think,

if you want that your one true love skip you away…(^.^) God bless you!

Bintana

Madalas sa umaga napapansin ko ang attic ng aming kapitbahay, natatanaw ko ang maliit na bintana nito mula sa aking kinahihigaan, pinaka magandang spot sa mundong aking ginagalawan ay ang aking mini sala na kwarto na rin.. hahaha, masaya na ako habang tanaw ko ang langit kapag nakahiga ako sa aking malambot na sofa bed.. mula kasi ng maglipat pugad ako, nakontento na ako sa bagong bahay ko. Hindi katulad ng dati kung mundo, madilim iyon at hindi pwedeng buksan ang bintana sapagkat nasisilaw ako. takot ako sa liwanag mabuti na lamng at naisipan ng mahal na ina na ako ay maglipat bahay na.,

Madalas naiisip ko kung natatanaw din ako ng taong nasa tapat ng bintana ko, ang attic sa taas ng matayog nabahay na iyon ay may bahid na lungkot.. tulad din ba ng mundo ko?

Kagabi nakita ko na walang ilaw ang bintana niya.. ewan ko ba kung bakit naiisip ko minsan na sana detective ako..hehehe bagay rin siguro! madalas nakikita ko ang pagbukas ng bintana nito, kasabay ng pagsarado ko ng aking bintana, nakikita kaya akong nakatanaw sa lugar kung san nagtatago siya?

Hinulaan ko rin kong babae o lalake ang nakatira sa attic naiyon, at nalaman ko ang kasagutan ng minsang nagkusa na rin siyang magbukas ng bintana at sumilip sa lugar na kung saan naka tunganga ako,nahihirapan akong walang magawa, kung kayat napatanaw ako mula sa pagtanaw niya, bakit kaya napakamisteryoso niya? hmm nacurious na naman ako, madalas napapansin ko na tuwing sasapit ang alas dose ng gabi saka lamang niya binubuksan ang kanyang bintana, at madalas umuupo siya sa gilid ng bintana, hmm mas natatanaw niya ang buong kwarto ko kung kayat naisipan kong lagyan ng kurtina ito, hindi na private ang dating pugad na kung saan nakatanaw ako..

naisipan kong mag iba ng plano maya na lamng ako dadaan sa bahay ng aklatan, may bibilhin lamang ako, natutuwa ako dahil napawi na ang walang kasiglahan ng araw ko dahil sa ngyari ngayon..

syempre hindi ko natext si pampam.. sabi ko kasi kapag nasa venue na ako tetext ko siya.. kaso sasabog utak ko kapag hindi ko magawang isulat ito..

hmm.. buti na lamang at maaga pa, uuwi na lamang ako bago pumatak ang alas otso.

sa aking bintana, napaka misteryoso ng aking natatanaw.

____sa susunod na palaisipan,mabubuo ko rin ang puzzle na iyon—

 

chao..

na miss kong kulitin si PamPam.. hehehe

Para kay PAm at PaS

 

hindi ba kay gandang mag abang ng gunita,

habang nanabik sa susunod na talata,

habang binabasa ang bawat kataga,

kay sarap damhin ang nakapaloob na palaisipan

sa isang Pam at Pas na may mga kawirduhan.

Masarap ngumite ng walang dahilan,

habang napapaisip pano pa kaya,

 kung may mas malalim na pakahulugan?

Ang tibay ni pampam,

ang cheezy pero

si pasaway, ms. ayus pa rin!

habang ang tagisan ng kawirduhan

ay mapapasayo,

at mawiwindang ka na lang!

–para kay pampam at pasaway!—

Patahian

PATAHIAN

Unang Araw ng linggo:

Nakita ko ang napakalaking sign board ng Patahian sa di kalayuang tanaw ng aking mata(ang sigaw ng sign board “KALAYAAN”.hindi ko lubos matantya ang tunay na address dahil napadpad lang ang aking nagmamadaling paa sa paglalakad. Bitbit ko ang aking tela na ipatatahi, halos tatlong beses na deny ang aking tela sa alin mang patahian, kapag sinuswerte nga naman..

Sa ika apat na patahian, nagdalawang isip pa si “kuya na may punto” yan ang aking katawagan sa kanya, buti na lamang at pumayag sa madaliang serbisyo hahaha! Ang ibig Kong sabihin ay madaliang serbesyo ng kanyang pananahi.

Hindi na ako tinablan pa ng hiya, dahil na rin sa kagustuhan kong maisakatuparan na ang desenyo ng aking uniporme, hindi ko lubos maisip na ito ang  unang pagkakataong magpatahi ng aking damit, at na excite naman ako sa mga pangyayari. At ng matanggap ang tela nasukatan na rin ang dapat masukatan hahaha! (*.*) sabi pa nga ni “kuyang may punto” nene, walang malisya ito! Natawa ako. Tsk.tsk. marunong din pa lang mag patawa si “kuyang may punto” After 3 days..

Thursday:

 Binalikan ko ang ipinangakong damit ni “kuyang may punto” dahil na rin sa, nagbigay na ako ng paunang bayad para sa unang pares.Nadismaya ako ng wala ni isang natahi, halos nagsalubong ang aking kilay at kahit gusto ko mang magalit dinaan ko sa biru si kuyang may punto! At binantayan ko siyang matapos kahit isang pares ng blouse, at ayun, natapos naman niya ang kalahati.

Friday:

Pinabalik niya ako s a araw na ito, ngunit mas nadismaya ako ng hindi pa rin tapos ang isang pares, halos nakilala ko na yata lahat ng mga mananahi sa shop nila si boyet, si gyle,si James at pati na rin ang pinsan niyang si Wendell at  may bonus pa! pati si aling Carina na nasa edad singkwenta na. sabi ni aling carina sinasadya daw yata na hindi tinatapos ang damit ko, halos buong linggo yata akong lumiligaw sa patahian para lang matapos iyon, kapag ang swerte nga naman ay sumasayo…

 

Ikalawang linggo:

Unang araw, syempre after work nagmamadali akong puntahan ang aking uniporme na ipinamalita sa akin ni kuyang may punto na “natahi na ang aking blouse” tama nga naman! At ng aking puntahan natahi na ang isang blouse! Halos nagkakwentuhan na kami ni aling  carina ng buhay-buhay at halos nakilala ko na ang kwento ni Josefino na kanyang anak, na halos sa larawan ko lamang nasilayan ang mistisohing lalaking nakakorbata pa!Nasa edad trenta.walang asawa, nagtatrabaho s a Canada. Base sa kwento ni aling carina napakabuting anak daw ni josefino, siya ang bread winner sa family nila, galing sila sa mahirap na pamilya at nakwento ni aling carina ang lahat ng tungkol sa anak niyang si Josefino. Halos tamaan ako ng deliryo dahil na rin sa pamamangha na ang isang inang tulad ni aling carina ay lubos ang pagmamalaki sa kanyang mabuting anak. Naisip ko tuloy na may mga lalaki pa palang tulad ni Josefino?! tama; tulad din ng pinsan ko, isang mabuting nilalang, tulad ng aking papito, at maaring maging tulad ng uncle ko na namayapa na.  Napakaswerte daw ng mapapangasawa ng anak niya dahil na rin sa masikap at mabait ang kanyang anak. Ewan ko ba, pero makwento si aling carina saakin, kahit minsan lamang niya ako nakita at nakausup ay naging madalas, at marahil dahil wala siyang anak na babae, nakagaanan niya ako ng loob na nakakatuwa namang isipin. Lahat yata ng katangian ng isang ginoo ay sakto lahat sa sinabi ni aling carina hehehe kung pwede bang manligaw ang isang babae siguro inumpisahan ko na sa anak niya, kaso  masasabi ko pa rin na kahit may pagkalalaking puso ang kalahati ng aking pagkatao may isang bahagi ng malambot kung pagiging babae ang nanatiling grounded kahit sabihin pang may mga pangyayari sa buhay ko ang hindi naiguhit ng mabuti at tama. Madalas ang mga bagay na hinahanap mo ay mailap.at ang mga gusto mo at mahal mo ng lubos hindi mo magawang angkinin ng walang kahati.quote ko lage “SAD but TRUE”

Wednesday:

 Tumunog ng tatlong sabay sabay na mensahe ang aking mahiwagang cellphone. mensahe: “Paki daanan po  ang iyong uniporme” from Wendel.. aha! ang pinsan ni Kuyang may punto! Syempre hindi ako nagreply ngunit at datapwat sa aking pagkakaintindi gawa na iyon at kung kaya’t dinaanan kung muli, haiz buhay!    Sa aking pagpunta, sinabi ni kuyang may punto “hindi ako nene, ang nagtext sayo ang pinsan ko.. biniru ko lang na itext ka niya na gawa na ang iyong damit para may dahilan daw siyang magtext”Grrrrrrrrrrrrrrrrrr… yan ang natikman nila. Hahaha!nagtaray na talaga ako at nasobrahan yata.. ayon natakot iyong nagtext saakin at ilang beses nagsorry. Kapag sinuswerte ka nga naman.. Napakatrustable ko pa rin.. wala kasing sirang tinapay saakin sa malamig at mainit na kape. Natawa na lamang ako sa mga pangyayari. Kahit paano na wala ang aking hypertension dahil sa isang boteng coke at fudgee bar na binigay saakin ni Wendell pampalubag loob dahil sa aking kumakalam na sikmura.sa pagtatapos ng linggong ito, bukas daw matatapos ang buong set na pinatahi ko at si aling carina na ang siyang magmamaniobra sa lahat, kinagalitan niya si “kuyang may punto” at maging ang tatlo pa nitong alagad.hahaha! sulit na rin nakabawi na ako dahil sa discount na nakuha ko. Free na ang isang blouse ko!plantsado at laba na rin. Ahay.. may malas pa rin na swerte!hehehe Ang mahiwagang blouse dapat ang title nito kaso nagtatlong isip pa ako.. dahil sabi ng sintido komon ko, lahat ng nakilala ko ay nasa patahiang iyon “sign board “KALAYAAN”

 

 

 

 

 

 

« Previous entries