Archive for November, 2009

Nagbabadya ng hamon ang bathala,

sa darating na taon, pagtitibayin niya ang

pagsasama na  nilikha,

hanggang saan ito makakaunawa

habang ang pintig ng puso,

ay kanya nitong susubukan

hanggang sa hagkan ng apoy ang luklukan.

Miserable ang buhay kapag wala ka,

dumadaloy ang paghinga kapag ikaw ang siyang kasama.

Aanhin pa ang pangarap na suntok sa buwan,

kung masasadlak lamang ang lahat sa wala.

Bibigyan mo ba nang takot ang puso?

kung ang hiling nito,

wag kang patutukso.

____orig.Rubi@2009____

Comments No Comments »

hindi magmaliw ang aking isipan sa pagbuo ng kataga,

habang naiisip ko ang papel na dati ang siyang lagi kong gunita.

Gamit si Lapis na handang hagkan ang papel na walang letra,

habang nagdurugo ang puso nang lumilikha.

Ikaw, na nag uusisa sa gamit kong letra,

sinisipat ang bawat pagkakamali na aking magagawa..

Anong silbi ng isang pambura?

kung hindi nito kayang burahin ang tulad mo na isang tinta.

habang nagsasaya ka sa akala mong mahal ka,

mababaliw ang puso mo at masasadlak ka sa dusa.

ngunit kung sa tingen mo ay naging patas ka,

sa hamon ng katotohanan ay ligtas ka.

Hindi nga ba, ilang beses mong tiningnan ang aking gamit na papel,

habang natutulala sa salitang hindi mo maunawaan,

ilang beses kang nagkunwari,

hanggang sa di naglaon,

nalaman mo rin

ang kalahati na nilukot na papel.

nagwakas ang buhay,

ngunit mayroong kapalit.

Ang lahat ng ito ay isang palaisipan,

hanggang sa muli..

naglilingkod sayo..

++PAPEL++

—-orig.rubi@2009____

Comments No Comments »

Ikaw na mistulang walang ningning,

Nagbabakasakali sa liwanag ni buwan.

Hinagpis mo ay kasing lawak ng karagatan,

habang ang luha mo ay tulad ng Ulan.

Hindi nga ba ikaw ay nahahapis?

ngunit anong magagawa mo sa  tulad niyang mandarangit,

Ikaw na nagbabasa ng walang maliw,

Hindi mo kayang intindihin, saan nga ba ang liwanag kung ito ay madilim?

Ito ay isang mahabang suliranin.

Bagkos nagkukunwari kang halos nakatago sa ulap,

Ang mga hinanakit na ginawa ng nakalipas.

Mahal mo lamang ang dilim ng nakaraan, sapagkat yakap mo

ito na tila wala ng umaga para bukas.

Aanhin mo ang lahat ng iyong kayamanan?

kung unti-unting nauupos ang umaalingasaw mong katawan.

Kapag sumapit na ang dilim..

Ikaw ay nabubuhay.

++++orig.rubi++++@2009

Comments No Comments »